Karanasan ng mga kabataan na na-rehab dahil sa droga

dc.contributor.authorNarciso V. Limos Jr. and Rico V. Santos
dc.date.accessioned2025-09-05T00:50:47Z
dc.date.available2025-09-05T00:50:47Z
dc.date.issued2018
dc.description.abstractAng pag-aaral na ito ay isang kwalitatibo at layuning pag-aralan ang karanasan ng mga kabataan na na-rehab dahil sa droga, partikular na ang mga nakatulong sa kanila upang makalaya sa droga, mga pagbabagong nangyari sa kanilang sarili sa loob ng rehabilitasyon, buhay sa labas at mga aral na natutunan. Ang mga kalahok ay pawang mga lalaki lamang na nakatira sa loob ng probinsya ng Nueva Ecija, isang taon mahigit ng nakalaya sa rehabilitasyon at wala pang asawa. Ang mga mananaliksik ay nakipagkwentuhan at thematic analysis ang ginamit sa pag-aanalisa ng mga datos. Sa kabuuan lumabas sa pag-aaral na may pagkakahalintulad ang mga kwento ng karanasan ng mga kabataan na gumagamit ng droga at napasok sa rehabilitasyon. Sa apat na kalahok, makikitang pare pareho ang pinag-ugatan ng paggamit ng mga kabataan ng droga at ito ay ang impluwensiya ng mga barkada at problema pagdating sa pamilya. Ngunit ng mapasok sa rehabilitasyon sila ay natulungan makalaya sa droga. Ang mga nakatulong sa kanila upang makalaya sa droga ay ang mga sumusunod pagmamahal at suporta ng kanilang pamilya, pananampalataya sa panginoon, pagkamulat patungkol sa kaalaman sa droga at tiwala sa kanilang sarili. Subalit matapos makalabas sa rehabilitasyon hindi nila naiwasan ang diskriminasyon at panghuhusga ng mga tao. Ganun pa man, nakaranas man ng panghuhusga ss mga taong nakapaligid sa kanila matapos gumamit at makalaya sa rehabilitasyon ay nanatili silang positibo sa buhay at hindi ininda ang mga panghuhusga sa kanila, bagkus ginawa nila itong inspirasyon upang patuloy na magbago at maging isang mabuting tao.
dc.identifier.urihttp://granarium.clsu.edu.ph/handle/123456789/381
dc.language.isoen_US
dc.relation.supervisorMYLENE G. SACRO
dc.titleKaranasan ng mga kabataan na na-rehab dahil sa droga
dc.typeThesis
Files
Original bundle
Now showing 1 - 1 of 1
Loading...
Thumbnail Image
Name:
LIMOS.JR.N.V,SANTOS,R.V.pdf
Size:
3.45 MB
Format:
Adobe Portable Document Format
Description:
License bundle
Now showing 1 - 1 of 1
Loading...
Thumbnail Image
Name:
license.txt
Size:
3.12 KB
Format:
Item-specific license agreed to upon submission
Description:
Collections