Karanasan ng mga kabataan na na-rehab dahil sa droga

Loading...
Thumbnail Image
Date
2018
Authors
Narciso V. Limos Jr. and Rico V. Santos
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibo at layuning pag-aralan ang karanasan ng mga kabataan na na-rehab dahil sa droga, partikular na ang mga nakatulong sa kanila upang makalaya sa droga, mga pagbabagong nangyari sa kanilang sarili sa loob ng rehabilitasyon, buhay sa labas at mga aral na natutunan. Ang mga kalahok ay pawang mga lalaki lamang na nakatira sa loob ng probinsya ng Nueva Ecija, isang taon mahigit ng nakalaya sa rehabilitasyon at wala pang asawa. Ang mga mananaliksik ay nakipagkwentuhan at thematic analysis ang ginamit sa pag-aanalisa ng mga datos. Sa kabuuan lumabas sa pag-aaral na may pagkakahalintulad ang mga kwento ng karanasan ng mga kabataan na gumagamit ng droga at napasok sa rehabilitasyon. Sa apat na kalahok, makikitang pare pareho ang pinag-ugatan ng paggamit ng mga kabataan ng droga at ito ay ang impluwensiya ng mga barkada at problema pagdating sa pamilya. Ngunit ng mapasok sa rehabilitasyon sila ay natulungan makalaya sa droga. Ang mga nakatulong sa kanila upang makalaya sa droga ay ang mga sumusunod pagmamahal at suporta ng kanilang pamilya, pananampalataya sa panginoon, pagkamulat patungkol sa kaalaman sa droga at tiwala sa kanilang sarili. Subalit matapos makalabas sa rehabilitasyon hindi nila naiwasan ang diskriminasyon at panghuhusga ng mga tao. Ganun pa man, nakaranas man ng panghuhusga ss mga taong nakapaligid sa kanila matapos gumamit at makalaya sa rehabilitasyon ay nanatili silang positibo sa buhay at hindi ininda ang mga panghuhusga sa kanila, bagkus ginawa nila itong inspirasyon upang patuloy na magbago at maging isang mabuting tao.
Description
Keywords
Citation
Collections