Karanasan ng mga Madre
Date
2018
Authors
Arlene C. Dimafelix and Carla G. Nimer
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibo at layunin pag-aaral ang karanasan ng mga madre kabilang na ang kanilang karanasan bago pumasok sa kumbento, habang nasa loob ng kumbento, at bilang ganap na madre. Sila ay nagmula sa kongregasyon ng Dominican at kasalukuyang nasa kumbento sa lalawigan ng Pangasinan. Ang mga mananaliksik ay nakipagkwentuhan sa mga kalahok at ginamit ang tematikong pag-aanalisa. Batay sa resulta, may ibat-ibang karanasan ang mga madre bago pumasok sa kumbento kabilang na ang pagtutol ng magulang at pag-iwan sa ibang pangarap katulad ng magkaroon ng sariling pamilya at magandang buhay. Ang pagmamadre at sariling desisyon dahil naniniwala sila na ito at tawag ng Diyos. Kasama sa naging buhay nila sa loob ng kumbento ang pangungulila sa kanilang pamilya. Natutunan nila sa loob ng kumbento na baguhin ang mga negatibo sa kanilang pagkatao pati na rin ang pagtanggap sa kanilang sarili. Malaki ang naging papel ng kumbento sa kanila bilang ganap na madre dahil namulat sila sa simpleng buhay, magmahal ng walang kondisyon, mas malalim na pagmamahal sa kapwa lalo na sa Diyos, at higit sa lahat nahanap nila ang kanilang totoong kaligayahan sa pamamagitan ng pagiging isang madre.