Pagsilip sa buhay ng tagasalo: Ang anak bilang tagapagtaguyod ng pamilya

Thumbnail Image
Date
2018
Authors
Cherry Ann C. Bautista and Michaela D. Bravo
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Abstract
Ang tagasalo ay isang papalagong konsepto sa Sikolohiyang Pilipino na ipinakilala tatlong dekada na ang nakalilipas. Binigyang kahulugan ang nasabing konteksto bilang isong taong nangangalaga o inaasahang tumugon sa pangangailangan ng kanyang pamilya. Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang buhay ng anak na tagasalo at kung paano nila bigyang kabuluhan ito. Matapos and masugid na pag-aanalisa ng mga datos, lumabas ang pitong higher-order themes: (1) Pansariling pagpapakahulugan hinggil sa pagiging tagasalo; (2) Dahilan ng pagtataguyod at motibasyon sa pagkilos; (3) Katangiang tinataglay mula sa karanasan ng pagtataguyod at motibasyon sa pagkilos; (3) Katangiang tinataglay mula sa karanasan ng pagtataguyod; (4) Mga ginagampanang gawain; (5) Bagay o pangyayaring nagbibigay hirap; (6) Mga istratehiyang ginagamit bilang paraan ng pagkaya; at (7) Tulong/suportang natatanggap, na siyang sumasalamin sa buhay ng mga anak na tagasalo ng pamilya. Ang bawat kinilalang pagpapakahulugan at rason at maituturing bilang bahagi ng pagpapahalaga at pagmamahal ng mga kalahok sa kanilang pamilya. Ilan sa mga katangiang nangibabaw ay ang kanilang pagiging matatag, pagkamatiyaga, pagiging responsable, pagkamatulungin at mapagparaya. Malawak ang saklaw ng ginagampanang gawain ng mga kalahok sapagkat kinakitaan sila ng pagtulong sa iba't-ibang aspeto maging sa labas ng konteksto ng pamilya. Ang pinansyal na aspeto at kalusugan ng magulang, ang ilan sa mga dilemang kanilang nararanasan. Napag-alamang malaking bahagi ng pagkaya at pagpapatuloy ng mga kalahok, ang pananampalataya sa Diyos, ang mga taong nagsisilbing kanilang hingahan at ang pagkakaroon nila ng positibong pananaw sa buhay. Gayundin, ang pinansyal at emosyonal na suportang kanilang natatanggap mula sa pamilya, kaibigan at kamag-anak.
Description
Keywords
Citation
Collections