Karanasan ng mga anak na lalaking may amang bakla

Thumbnail Image
Date
2018
Authors
Helen Micka Ancheta and Melody S. Casilla
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa mga anak na lalaking may amang bakla. naglalayon ang pag-aaral na ito na alamin ang knilang karanasan sa pagkakaroon ng amang bakla, nakapaloob sa layunin nito ang bunga ng pagkakaroon ng amang bakla sa kanilang mga anak, kung ano ang naging suliranin na kinaharap ng mga lalaking may amang bakla at higit sa lahat ay kung papaano nila natanggap ang kasarian ng kanilang ama. Ang isang baklang ama ay inuuna muna ang pangangailanagn ng kanyang anak kaysa sa kanyang sarili. Sa halip na pananakit ang paraan nila upang disiplinahin ang kanilang mga anak at pakikipag-usap ang kanilang paraan at kadalasan ay mas magaan sila mag alaga kumpara sa tipikal na ama dahil ito ay may kasamang haplos ng isang ina. Base sa mga nakuhang datos ng mga mananaliksik ang mga karanasan ng mga naging kalahok ay nakadepende sa kung papaano sila pinalaki ng kanilang mga ama at kung ano ang relasyon na maysroon sila. Iminumungkahi ng pag-aaral na ito na mas lalo pang palalimin ang pag-aaral na ito at maari rin na pag-aralan ang mga karanasan ng iba pang anak ng LGBT.
Description
Keywords
Citation
Collections