Konsepto ng loob ng mga nakalaya

Thumbnail Image
Date
2018
Authors
Danarose E. Malibiran and Ferwin P. Precenillo
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Abstract
Ang kwalitatibong pag-aaral na ito ay naglalayong pag-aralan ang loob ng mga nakalaya sa bilangguan. Lima ang mga naging kalahok sa pag-aaral na ito ay pinangangasiwaan ng opisyal ng parole and Probabtion office sa Lungsod ng San Jose na nakalaya. Sila ay nagtaglay ng ganitong katangian : (1) naninirahan sa lalawigan ng Nueva Ecija (2) nakalaya na ng dalawang buwan pataas, (3) dumadalo sa Therapeutical Counseling ng Parole and Probation Office sa Lungsod ng San Jose. Pakikipagkwentuhan ang naging daloy ng pakikipag-usap ng mananaliksik sa mga kalahok kung saan thematic analysis ang ginamit sa pag-aanalisa ng mga nakalap na datos. Sa pag-alam ng kanilang loob ginamit ang confrontative values (bahala na, lakas/sama ng loob at pakikibaka). Lumabas na ang bahala na ay pinagsamang determinism at fatalism, ang lakas ng loob naman ay nagmula sa kanilang pamilya at sa kanilang sarili, ang sama ng loob ay nagmula sa galit sa kanilang kamag-anak at ang nakikibaka ang mga kalahok sa stigma at stereotype na nabuo mula sa kanilang pagkakabilanggo. Napag-alaman sa pag-aaral na ito ang loob ng mga kalahok ay nagbabago dulot ng kanilang mga naging karanasan sa sa loob at sa labas ng bilangguan. Lumabas na ang kanilang loob ay dalisay at matibay spagkat sa dami ng kanilang mga naging karanasan patuloy silang lumaban at nagpatawad at tinanggap ang kanilang sitwasyon.
Description
Keywords
Citation
Collections