Karanasan ng mag-asawa na naging magulang sa murang edad
Date
2019
Authors
Sheryl Lyn G. Baladad
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa karanasan ng mga mag-asawang naging magulang sa murang edad. Ang kanilang buhay bilang maagang naging magulang, mga naranasan na pagbabago sa buhay mula ng sila ay naging magulang sa murang edad, ano ang kanilang mga suliraning nararanasan, mga naging epekto sa kanilang sarili bilang maagang naging magulang at mga natutunang aral sa buhay. Ang pag-aaral na ito ay binuo ng dalawang mag-asawang kalahok na nasa edad dalawampu't isa hanggang dalawampu't dalawang taong gulang. Sa pag-aanalisa ng datos, ginamit ang Interpretative Phenomenological Analysis bilang balangkas.
Sa pag-aaral na ito, lumabas na ang pagbabagong naranasan sa buhay ng mga kalahok ay ang pagkawala ng oras sa sarili, pagbabago ng trato ng mga magulang sa kalahok at ang relasyon ng mga ito, ang pagkawala ng oras sa mga kaibigan, at ang pagiging laging pagod ng mga ito. Unang unang suliranin na naranasan ng mga kalahok ay pinansiyal, kasunod nito ang pag-aalaga at pagkakasakit ng anak, ang trato ng magulang ay naging suliranin din at relasyon sa asawa. Nakaranas ng stress ang dalawang inang kalahok na epekto sa kanilang sarili bilang maagang naging magulang, at naging malawak ang pag-unawa at pag-iisip ng mga kalahok, naging selfless, masipag at responsable mula nang ang mga ito ay naging magulang. At naunawaang lubos ang dating pangaral ng magulang mula nang ang mga kalahok ay nagkaroon ng sariling anak, at lumabas din sa pag-aaral na mahirap ang naging magulang ng maaga.