KARANASAN NG MGA KOLEHIYO NA SINGLE PARENT

Thumbnail Image
Date
2019
Authors
Julie Carl A. Abad and Triza Dawn M. Arimbuyutan
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibo na may layuning pag-aaral ang mga karanasan ng mga kolehiyong single parents na kasalukuyang mag-aaral mula sa kolehiyo ng ano mang lugar sa Nueva Ecija. Sa pag-aaral na ito tinalakay ang mga karanasan ng mga kolehiyong single parent upang mas lalong maintindihan ng mga kabataan ang hirap maging ina o ama sa murang edad at upang maging bukas ang isipan ng bawat isa sa ganitong uri ng pamilya sa ating bansa. Upang maintindihan ang estado ng buhay ng isang single parent gumamit ang mga mananaliksik ng Interpretative Phenomenological Analysis. Ang mga kalahok asa pag-aaral na ito ay mga estudyante ng Central Luzon State University at ng Core Gateway College Inc. Ang mga nakuhang superordinate theme sa pag-aaral na ito ay patungkol sa pagiging estudyante at pagiging isang magulang ng isang single parent ay kumakaharap sila sa iba't ibang uri ng kahirapan ito ay ang pagpapasyang magkaroon ng trabaho, pagpasok sa negosyo, at panghihiram ng pera. Ang ilan pa ay ang kawalan ng oras dahil mas nangibabaw ang mithiin ng mga single parent na matustusan ang kanilang gastusin sa pang araw-araw kaakibat ng kawalan ng oras ay ang pangalan pa rin ng mga natitirang oras para sa kanilang mga anak. Ang kasalukuyang pag-aaral ay magsisilbing gabay upang mas mabigyang pansin at maging malawak ang isipan ng bawat tao sa kalagayan ng mga single parent at upang maging isang halimbawa sa bawat kabataan.
Description
Keywords
Citation
Collections