Karanasan ng mga babaeng mayroong asawang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot [manuscript]
No Thumbnail Available
Views
...
Downloads
...
Date
2017
Authors
Abegail P. Evaristo
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Abstract
Isang kwalitatibo and pag-aaral na ito na naglalayong pag-aralan ang mga karanasan ng mga babaeng mayroong asawang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, kasama na ang mga suliranin, epekto sa babae ng paggamit ng droga ng asawa, mabisang paraan ginagawa upang malampasan ang mga suliranin at mga aral na natutunan. Ang mga kalahok ay anim (6) na babae na ayon sa kanila ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang asawa na nakatira sa Lungsod ng San Jose, Nueva Ecija. Ang ginagamit na metodo sa pag-aaral ay ang Interpretatib. Penomenolohikal na pag-aanalisa (IPA). Sa pamamagitan ng IPA ay binigyang kahulugan ang mga karanasan ng mga babaeng mayroong asawang gumagamitang pinagbabawal na gamot. Makikita sa results ng pag-aaral na ang pangunahing suliranin na nagpahihirap sa kalooban ng mga kalahok ay ang hindi mapigil na paggamit ng ipinagbabawal na gamot ng asawa dahilan upang maging iresponsable ito at nagdudulot ng suliraning pinansyal. Lumalabas din na nagkakaroon paglabag sa karapatan ng babae dahil sa madalas na pagiging mainitin ng ulo at madalas na pakikipagtalo ng asawang lalaki na nauuwi sa pisikal na pananakit dahilan upang magkaroon ng mga negatibong pakiramdam ang mga asawang babae na nakaaapekto sa kanilang araw-araw na pamumuhay. Lumalabas na madalas pinanghihinaan sila ng loob, nahihiya, nagagalit, nawawala ng tiwala sa asawa at laging nangangamba sa maaaring kahantungan ng asawa dahil sa patuloy na paggamit ng ipinagbabawal na gamot nito. Subalit sa kabila ng mga suliranin ng mga babae sa pagkakaroon ng asawang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay may mga paraan silang ginagawa na para sa kanila ay epektibo o mabisa upang malampasan ang bawat suliraning nararanasan. Kabilang dito ang paglalabas ng sama ng loob sa mga malalapit na kaibigan o kamag-anak, pagtuon ng sarili sa ibang bagay, pagdarasal at pag-iwas. At sa bawat suliraning nararanasan ay mayroong mga aral na natutunan ang mga babae tulad ng hindi pagsuko sa problema pagkakaroon ng tiwala sa Diyos at sa sarili, maging matatag at maging mapagpasensya. At ang aral na ito ang isinasabuhay nila upang mas makayanan pa ang pagsubok sa kanilang buhay.