Paglabas ni Juan sa Katawan ni Maria: An untold stories of transman

No Thumbnail Available
Date
2018
Authors
Crismon C. Dela Cruz and Daisy M. Saberon
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Abstract
Ang kwalitatibong pag-aaral na ito na naglalayong pag-aralan ang karanasan ng mga Transman. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay nasa edad dalawampung taong gulang (20) hanggang apat napu't limang taong gulang (45) na kasalukuyang nakatira sa Metro Manila. Pakikipagkwentuhan ang naging daloy ng pakikipag-usap ng mananaliksik sa mga kahok kung saan narrative approach ang ginamit sa pag-aanalisa ng mga nakalap na datos. Lumabas sa pag-aaral na ang pangunahing dahilan kung bakit binabago ng isang transman ang kanilang katawan ay upang iayon ang pagkakakilanlan ng preparensyal nilang kasarian sa kanilang katawan, hormonal replacement theraphy (HRT) naman ang paraan na kanilang ginamit. Ang epekto naman nito sa kanilang katawan ay pagbaba ng kanilang boses, paghinto ng kanilang buwanang dalaw, pagpapawis ng labis, pagkakaroon ng tagihawat, pagkakaroon ng balbas, paglaki at paglakas ng katawan. Gayundin naman napapaliit ng theraphy na ito ang kanilang dibdib, kung dati sila ay gumagamit ng bra o binder upang matago ang kanilang dibdib sa ngayon ay hindi na sila gumagamit nito. Sa kanila namang ari ayon sa dalawang kalahok ay malaki ang ipinagbago nito, kumpara sa dating itsura ito ay nagbago simula ng sila ay sumailalim sa HRT. Napansin nilang lumulubog ang kanilang ovary ng paunti unti. Sa pagbabago naman sa emosyon sila dumanas ng mood swings. Lumalabas din sa pag-aaral na ito ang mga mithiin ng mga transman katulad na lamang ng matanggap sa lipunan, makapagpa-opera ng kanilang katawan upang maiayon ito sa preparensyal nilang kasarian.
Description
Keywords
Citation
Collections