Pagbabago ng sekswal na oryentasyon ng mga kakabaihan [manuscript]

dc.contributor.authorAna Marie G. Lazaro
dc.date.accessioned2026-06-02T08:25:58Z
dc.date.available2026-06-02T08:25:58Z
dc.date.issued2017
dc.description.abstractAng pag aaral na ito ay tungkol sa Pagbabago ng Sekwal na Oryentasyon ng mga Kababaihan. Ang layunin ng pag aaral na ito ay malaman kung bakit ang mga kalahok ay humahantong sa kanilang pagbabago ng sekswal na oryentasyon, malaman ang kanilang tunay na damdamin, knilang dahilan, dulot ng ginawang pagbabago at kanilang natutunan sa kanilang ginagawang pagbabago. Ang ginamit na batayan ng pag aaral ay ang Interpretative Phenomenologicaly Analysis (Smith & Osborn, 2009). Ang mga kalahok ay nagmula s Science City of Munoz at Cabanatuan City. Sa tulong ng mga kakilala at kaibigan na isagawa ang pagkuha ng mga datos mula sa mga kalahok gamit ang pakikipagpanayam at pakikipagkwentuhan. Apat na Babae ang kalahok sa pag aaral na ito. Sila ang nagsisilbing "butch" o gumaganap bilang lalaki sa isang lesbiyan na pakikipagrelasyon. Lumalabas na kaya piniling magbago ng mga kalahok ay dahil sila ay nabigo sa pag ibig ng dahil sa mga babae. Naging dahilan nila ang pag asam na makabuo ng sariling pamilya at bigyang halaga ang damdamin ng mga mahal sa buhay lalo na ang kanilang magulang. Lumabas din sa pag aaral na kahit nahirapan sila sa pagbabagong ginawa ay nanatili pa din silang positibo at matibay sa kabila ng mga negatibong kritisismo. Ang pagkakaroon ng maayos na buhay, magandang kinabukasan, magandang pakikitungo sa mga mahal sa buhay at higit sa lahat ang pagkakaroon ng sariling pamilya sa ilan sa mga kalahok ang magandang dulot ng kanilang ginawang pagbabago. Sa pag-aaral na ito, masasabi ng mananaliksik na naging masaya ang mga kalahok sa kanilang desisyon na magbago ng sekswal na oryentasyon. Sa huli, natutunan nila na maaaring maging daan ito sa paglago ng kanilang pagkatao. Ang magingmaayos at masaya ang kanilang buhay na tinatahak. Mas naging malawak ang kanilang kaisipan tungkol realidad ng buhay. At wala silang anumang pagsisisi tungkol sa kanilang pagbabago at mga naging desisyon sa kanilang buhay.
dc.identifier.urihttp://granarium.clsu.edu.ph/handle/123456789/1437
dc.language.isoother
dc.relation.supervisorANGELO R. DULLAS
dc.titlePagbabago ng sekswal na oryentasyon ng mga kakabaihan [manuscript]
dc.typeThesis
Files
Original bundle
Now showing 1 - 2 of 2
Loading...
Thumbnail Image
Name:
LAZARO,A,M,.pdf
Size:
2.3 MB
Format:
Adobe Portable Document Format
Description:
Loading...
Thumbnail Image
Name:
LAZARO,A,M,.pdf
Size:
2.3 MB
Format:
Adobe Portable Document Format
Description:
License bundle
Now showing 1 - 1 of 1
Loading...
Thumbnail Image
Name:
license.txt
Size:
3.12 KB
Format:
Item-specific license agreed to upon submission
Description:
Collections