Pagpapalit ng mga Transwomen sa Nueva Ecija [manuscript] : Isang kwalitatibong pag-aaral
No Thumbnail Available
Views
...
Downloads
...
Date
2017
Authors
Princess Mea P. Madayag
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Abstract
Isang kwalitatibo ang pag aaral na ito na naglalayong pag aralan ang karanasan ng mga transwomen sa Nueva Ecija. Partikular ang mga layunin ng pag aaral. Ang mga nagsilbing kalahok sa pag-aaral na ito ay binubuo ng tatlong (3) transwoman na higit dalawampu't pitong (27) taong gulang pataas at dumaan sa operasyong sex change operation o sex reassignment surgery dalawa (2) o higit pang taon ang nakalipas. Nakipagpanayam ang mananaliksik sa mga kalahok. Inanalisa ang datos gamit ang Tematikong Pag-aanalisa nina Braun at Clarke (2012) at inaplayan ng Modelo ng Pagdadala ni Decenteceo.
Lumalabas sa pag-aaral na ito na hindi karaniwan ang pinagdaanan ng mga transwoman. Napag-alaman na karaniwan sa kanilang nagiging suliranin bago magpapalit ng kasarian ay patungkol pagkaranas ng dikriminasyon at paglikom ng pondo para sa operasyon. Lumalabas din na ang kadalasang dahilan nila sa pagpapalit ng kasarian ay upang magustuhan ng kalalakihan, mawala ang kalunkutan, at maramdamang tunay na babae. Matapos ang naturang operasyon, sila ay nakaranas ng pagkabawas ng dikeiminasyonng nararanasan, pagkakaroon ng tiwala sa sarili na humarap maraming tao, pabago-bagong emosyon at panghihina ng katawan. Lumalabasdin na marami silang kasiyahan partikular ang kanilang, kaibigan, kasintahan at kasariang pambabae.