Earning while learning: Kwento ng mga working student [manuscript]
| dc.contributor.author | KIMBERLY AYES ANTONIO | |
| dc.date.accessioned | 2026-05-25T02:17:58Z | |
| dc.date.available | 2026-05-25T02:17:58Z | |
| dc.date.issued | 2017 | |
| dc.description.abstract | Isang kwalitatibong pananaliksik ang papel na ito na gumamit ng narrative analysis. May layuning malaman ang mga kwento ng mga Working student na naging sentro ng pag-aaral ay ang mga Student Assistant ng Central Luzon State University. Tatlo ang kalahok ng pag-aaral na ito isang babae at dalawang lalaki na may edade na labing pito hanggang dalawamput tatlong taon gulang. Nahanap ang mga kalahok sa pamamagitan ng pagkuha sa bawat department ng listahan ng Student Assistant at sa tulong ng pagtatanong tanong. Nakipagkwentuhan sa mga kalahok at ginamitan ng narrative analysis ang mga nakuhang datos. Lumabas sa pag-aaral na ang kwento ng mga working student ay kwento ng pagsasakripisyo ng anak para sakanyang magulang at para sakanyang sarili. Lumabas din sa pag-aaral ang pinansyal na pagtugon sa pangangailangan sa unibersidad ang kanilang naging dahilan dito, Ang pagsasanay sa pamamagitan ng pagiging isang working student upang maihanda nila ang kanilang sarili sa hinaharap. Lumabas sa kanilang naging positibong karanasan ang sumusunod, pagiging handa sa hinaharap, gawing leksyon and negatibong karanasan at gawing positibo, pagkakaroon ng maraming kaibigan, pakikisama sa katrabaho. Ang problemang tulad ng pagbabalanse ng oras ng trabaho at pag-aaral sa klase ang malimit pagbaba ng marka ang klase ay lumabas din, dahil sa pigging abala ay nawawalan na sila ng oras para sakanilang mga kaibigan, pamilya at higit sa lahat sa kanilang sarili. Sa kanilang pagharap sa lahat ng kanilang pinagdaanan ang pagdadasal sa poong may kapal, sa tulong ng kanilang mahal sa buhay ang nakakatulong upang gumaan ang kanilang pakiramdam tuwing sila ay nakakaranas ng matinding problema. Ang kanilang naging mithiin upang sila ay pumasok bilang isang Working Student ay pagkakaroon ng magandang kinabukasan, mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya, karangalan na dulot ng pagkakaroon ng diploma. Sa aral na kanilang natutunan bilang isang Working student natutunan nila ang pagkakaroon ng lakas ng loob ang pagbabalanse ng kanilang oras at panahon. Ang pagkakaroon ng determinasyon upang gampanan ang lahat ng tungkulin sa unibersidad bilang Student Assistant o Working Student, and pagpapahalaga sa bawat perang kinikita ng mga ito ay lumabas dito. Lumabas din ang pagpapahalaga sa bawat perang kinikita ang mga ito ay lumabas dito. Lumabas din ang pagpapahalaga ng mga ito sa ukasyon kung saan ito ang magdadala sakanila sa puno ng inaasam na tagumpay sa buhay. | |
| dc.identifier.uri | http://granarium.clsu.edu.ph/handle/123456789/1382 | |
| dc.language.iso | en_US | |
| dc.title | Earning while learning: Kwento ng mga working student [manuscript] | |
| dc.type | Thesis |
Files
License bundle
1 - 1 of 1
Loading...
- Name:
- license.txt
- Size:
- 3.12 KB
- Format:
- Item-specific license agreed to upon submission
- Description: