Karanasan ng mga teenagers na nahuhumaling sa KPOP Idols

Loading...
Thumbnail Image
Date
2018
Authors
Gabriellyn B. Martinez and Ma. Angelica E. Ruar
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa mga teenager na nahuhumaling sa mga K-pop idols. Naglalayon ang pag-aaral na ito na alamin ang kanilang karanasan sa pagkahumaling, nakapaloob sa layunin nito ang kanilang dahilan, paraan ng pagpapakita ng pagkahumaling, positibo at negatibong dulot ng pagkahumaling sa kanilang buhay. Patuloy ang pagsikat ng mga Koriyanong mang-awit sa buong mundo at tila naapektuhan na ng mga ito ang pamumuhay ng mga teenager. Ang mga koriyanong mang-awit ay tinatawag na Kpop idols o singers na kadalasan ay nagtataglay ng mga talent tulad ng pagsayaw at pagkanta. Kadalasan ang kanilang mga awitin ay may melodiyang masisigla na may kalakip na maiindak na sayaw na kinahuhhumalingan ng mga teenagers. Base sa mga nakuhang datos ng mga mananaliksik ang mga karanaasan ng mga naging kalahok sa pag-aaral ay nakadepende sa kanilang dahilan, pamamaraan ng pagpapakita ng pagkahumaling at ang mga dulot nito na kinapapalooban ng positibo at negatibong dulot sa kanilang buhay. Iminumungkahi ng pa-aaral na ito na mas pagtuunan ng pansin ang mga nasa mas mababang grupo ng edad ng mga kabataang nahuhumaling sa mga Kpop idols at mas palawigin pa ang pag-aaral.
Description
Keywords
Citation
Collections