Karanasan ng mga Anak na Babaeng may Galit sa Ama
Loading...
Date
2019
Authors
Chrisley Rhea G. Hapson and Marjancel G. Velasco
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Abstract
Ang pag aaral na ito ay tumutukoy sa pag papatawad ng mga anak na babaeng may galit sa ama. Inalam at siniyasat ng pag aaral naito ang mga dahilan ng galit ng anak sa kaniyang ama, Epekto ng galit sa sarili, paano nito napatawad at kung ano ang pag tingin sa pag papatawad.
Ang pag aaral na ito ay may apat na babaeng kalahok. Ang mga ito ay galit sa kanilang ama ng higit tatlong taon, nagmula ang mga kalahok sa iba't ibang bayan ng Nueva Ecija at pinili ayon sa dahilan ng kanilang galit sa kanilang magulang.
Napag-alaman sa pag aaral sapag-aaral na ito na ang mga anak na babae ay nagalit sa kanilang ama dahil sa sila ay nakaranas ng pangmamalupit o mas kilala bilang pambubugbog at panghahalay. Ang mga dahilang ito at tumutukoy sa dahilan ng galit ng mga anak na babaeng may galit sa kanilang ama.
Pangrerebelde at pagkawala ng tiwala sa kalalakihan naman ang siyang lumabas na epekto sa sarili ng mga kalahok sa pag-aaral na ito na siyang naging dahilan ng galit na nagmula sa kanilang ama.
Lahat ng tao ay may kani-kaniyang paraan upang mapaghilom ang sugat ng kahapon na siyang nagdudulot ng kabiguan at kapaitan sa kanilang mga buhay. Pagmamahal at suporta na ibinibigay ng ibang miyembro ng pamilya an pangunahing dahilan upang makontrol ng mga anak ang kanilang galit.
Description
Keywords
Research Subject Categories::SOCIAL SCIENCES::Social sciences::Psychology