Karanasan ng mga kabataang nagkasala sa batas na nag-aaral
| dc.contributor.author | Alyza P. Astelero and Clarissa Mae J. Serrano | |
| dc.date.accessioned | 2025-09-15T06:20:39Z | |
| dc.date.available | 2025-09-15T06:20:39Z | |
| dc.date.issued | 2018 | |
| dc.description.abstract | Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibo na naglalayong pag-aralan ang karanasan ng mga kabataang nagkasala sa batas na nag-aaral. Partikular ang kanilang naging dahilan sa paggawa ng krimen, pagbabago dulot ng pag-aaral inspirasyon sa buhay para ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at mithiin sa buhay.Ang mga nagsilbing kalahok sa pag-aaral na ito ay binubuo ng apat na kalahok. May edad na labing apat hanggang dalawampung taong gulang. Sila ay nagmula sa Regional Rehabilitation Center for Youth na matatagpuan sa Pampanga. Ginamit ang paraan na pakikipanayam sa pagkalap ng mga datos na isinalin gamit ang transkripsyon at bilang pag-aanalisa ng datos ginamitan ito ng "Thematic Analysis" ni Buyatsi, 1998. Ang mga kabataang ito ay nasangkot na sa murang edad pa lamang at sila ay kasalukuyang namamalagi sa loob ng Rehabilitasyon at nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral muli. Nakita sa pag-aaral na ito ang pagiging positibo at dedikasyon ng mga kabataang kalahok sa kanilang buhay na maging matatag, matapang, pursigido, hindi sumusuko, at pagkakaroon ng tiwala sa Diyos at sa kanilang mga sarili upang harapin ang anumang pagsubok sa buhay. Na hindi magiging hadlang ang nangyari sa kanilang buhay para magtagumpay at makamit ang kanilang pangarap. | |
| dc.identifier.uri | http://granarium.clsu.edu.ph/handle/123456789/559 | |
| dc.language.iso | en_US | |
| dc.relation.supervisor | MARIA ROSARIO I. BULANAN | |
| dc.title | Karanasan ng mga kabataang nagkasala sa batas na nag-aaral | |
| dc.type | Thesis |