Karanasan ng mga anak na nagrebelde sa magulang [manuscript]

dc.contributor.authorKaren R. Cacho
dc.date.accessioned2026-05-25T03:02:31Z
dc.date.available2026-05-25T03:02:31Z
dc.date.issued2017
dc.description.abstractIsang kwalitatibo ang pag-aaral na ito na naglalayong pag-aralan ang karanasan ng mga anak na nagrebelde sa kanilang magulang. Gumamit ng pakikipagkwentuhan na pamamaraan ang mananaliksik at ginamit ang thematic analysis sa pag-aanalisa ng mga nakalap na datos. Lumalabas sa pag-aaral na ito na madami at may ibat-ibang kwento at karanasan ang nagrerebelde ng mga kabataan sa kanilang magulang. Kung titingnan sa kabuuan nito, ang pagkakaroon ng problema sa magulang ang pangunahing dahilan ng kanilang pagrerebelde. Sa apat na kalahok, makikitang may ibat-iba dahilan, paraan, pagtingin, paghinto at kani-kaniyang aral na napulot sa kanilang karanasan sa pagrerebelde. Kaugnay nito, naghatid din ito sa kanila ng pagsubok na sumubok sa kanilang katatagan bilang isang anak na nagrebelde sa kanilang mga anak ang "favoritism" o ang hindi pantay na pagtingin ng magulang sa kanilang mga anak, ang pagkukumpara ng mga magulang sa kanilang magulang ang ilang problemang dinadala ng mga anak sa kanilang magulang. Lumalabas din sa pag-aaral na ang pag-inom ng alak, paninigarilyo, paggamit ng marijuana, pagpapabaya sa pag-aaral at pakikipagtalik ang ilang paraan ng mga anak upang ipakita sa kanilang magulang na nagrerebelde sila. Lumalabas nga sa pag-aaral na ito na may ibat-ibang paraan ang mga anak sa pagtingin nila sa kanilang pagrerebelde gaya ng paraan upang maghiganti sa kanilang magulang, paraan para ipakita sa kanilang magulang na kulang sila sa atensyon at pagmamahal, pati na rin ang pagpapapansin sa kanilang magulang upang maibalik sa ayos ang kanilang pamilya. Natigil ang kanilang pagrerebelde sa kanilang magulang ng mabukas ang kanilang isip sa mga bagay na hindi nila na dapat at baguhin na nila ang kanilang pananaw sa kanilang buhay at nang maagang nagdalang tao ang ilang anak na babaeng nagrebelde sa kanilang magulang. Lumabas din sa pag-aaral na ito na natutunan nilang magbagong buhay, ipagpatuloy and kanilang buhay, pahalagahan ang mga taong nakapaligid sa kanila, ang oras at ang lahat ng pagkakataon.
dc.identifier.urihttp://granarium.clsu.edu.ph/handle/123456789/1394
dc.language.isoen_US
dc.relation.supervisorMYLENE G. SACRO
dc.titleKaranasan ng mga anak na nagrebelde sa magulang [manuscript]
dc.typeThesis
Files
Original bundle
Now showing 1 - 1 of 1
Loading...
Thumbnail Image
Name:
CACHO,K,R.pdf
Size:
3 MB
Format:
Adobe Portable Document Format
Description:
License bundle
Now showing 1 - 1 of 1
Loading...
Thumbnail Image
Name:
license.txt
Size:
3.12 KB
Format:
Item-specific license agreed to upon submission
Description:
Collections