Karanasan sa pagpipigil ng sekswal na pagnanasang naramdaman ng mga lalaking may karelasyon
Loading...
Date
2019
Authors
Jennifer D. Malenab
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy sa karanasan sa pagpipigil ng pagnanasang naramdaman ng mga lalaking may karelasyon. Dito, inalam ang mga dahilan at mga naiisip sa tuwing sila ay nakakaramdam ng pagnanasa sa kanilang mga nobya, ang mga bagay na kanilang ginawa upang ang pagnanasa na ito ay hindi humantong sa pakikipagtalik at kung ano ang naging epekto sa kanilang relasyon ng mga bagay na kanilang ginawa. Ang pag-aaral na ito ay binuo ng apat na kalahok na mag-aaral mula sa Central Luzon State University. Sa pagkuha ng mga datos, ginamit ang paraan ng pakikipagkwentuhan at pakikipagpalagayan ng loob at inirekord at isinalin ang kabuuan ng panayam. Sa pag-aanalisa ng datos, ginamit ang Interpretative Psychological Analysis bilang balangkas.
Sa pag-aaral na ito, lumabas na ang pagnanasang naramdaman ng mga lalaking may karelasyon ay dahil sa kanilang first kiss ng kasintahan; pagka-akit na makipagtalik sa nobya at kunin ang pagkababae nito; pisikal na kaanyuan ng kasintahan at pagsusuot nito ng maiikli o mga sexy na kasuotan; pang-aakit at pagbibigay motibo ng kanilang kasintahan; kapag napapadaan sila sa mga pribadong lugar; ang mga napapanood nila sa porn at ang impluwensya ng kanilang mga kaibigan. Kapag nakakaramdam sila ng pagnanasa sa kanilang nobya, iniisip nila na dapat mapigil nila ito dahil mahal nila ang kanilang nobya at isa itong maling gawain ng isang nobya; dapat malinaw at malinis and kanilang intensiyon sa kasintahan at kung ano ang makabubuti para sa kanilang kapakanan; reputasyon ng kanilang mga nobya bilang isang babae. Kahit nakakaranas ng pagnanasa sa nobya, hindi ito naging sapat para ito ang maging mindset nila sapagkat mas pinili pa rin nila na pahalagahan ang kanilang mga nobya at igalang ito bilang isang babae. May pagkakataon din na hindi magagandang bagay ang kanilang naiisip katulad ng hubad na katawan ng kanilang nobya at pag-iisip na nakikipagtalik sila rito.
Lumalabas din sa pag-aaral na ang mga lalaking nakakaramdam ng pagnanasa sa nobya ay naging maparaan upang hindi ito humantong sa pagtatalik. Ang pagpunta sa mga bookshops; paglilibot at pakikipagkwentuhan sa nobya; pag-aaya dito na kumain, manood ng movies; paglalaro ng computer games; paggamit ng e-cigarette o vape; pag-iwas sa mga pribadong lugar at maging ang hindi pagharap sa nobya kapag niyayaya itong maglakad-lakad ay kanilang naging solusyon para hindi humantong sa pagtatalik ang pagnanasa. May pagkakataon din na humahantong sila sa masturbation upang maiwasan nilang mauwi sa pagtatalik ang anu mang sekswal na damdaming kanilang nararamdaman. Nakatulong ang kanilang mga pamamaraan upang mas maging malapit sila sa isa't isa, mas magkaunawaan at magkaintindihan at higit sa lahat ay mapalalim pa ang pagmamahal nila sa isa't isa; natuto silang pahalagahan ang tiwala ng kanilang mga nobya at mas naging tapat at totoo sila sa kasintahan; naging malambing sila sa kanilang nobya at higit sa lahat ay mas naging maingat sila sa mga bagay na kanilang ginagawa, sa bawat hakbang, desisyon at mga bagay na kanilang iniisip para na rin sa ikabubuti nila ng kanilang kasintahan at sa ikagaganda ng takbo ng kanilang relasyon.