Karanasan ng mga naging battered wife sa pag-aabuso [manuscript]
| dc.contributor.author | Judith Angelina A. Dela Cruz | |
| dc.date.accessioned | 2026-06-02T06:54:34Z | |
| dc.date.available | 2026-06-02T06:54:34Z | |
| dc.date.issued | 2017 | |
| dc.description.abstract | Isang kwalitatibo ang pag-aaral na ito na naglalayong pag-aralan ang karanasan ng mga naging battered wives sa pag-aabuso. Gumamit ng pakikipagkwentuhan na pamamaraan ang mananaliksik at ginamit ang thematic analysis sa pag-aanalisa ng mga nakalap na datos. Lumabas sa pag-aaral na ito na karaniwang nagsisimula ang pang-aabuso sa pagkakaroon ng pagtatalo dahil sa bisyo ng asawang lalaki tulad ng alak, pambababae at problemang pinansyal o kahirapan. Ang pang-aabusong pisikal ang pangunahing naranasan ng mga kalahok tulad ng suntok, sipa, sapok, sabunot, pwersahang paghila, pagbato ng mga gamit at pagsakal ang siyang naging dahilan ng pagkakaroon ng sugat at mga pasa sa iba't-ibang parte ng katawan. Sumusunod ang berbal at sikolohikal na pang-aabuso kung saan nakatatanggap sila ng mga masasakit na salita at mga panlalait na ikinasasakit ng kanilang damdamin. Ang pagtingin ng mga naging battered wives pang-aabuso ay masama at katakot-takot na gawain ng asawa. Naging paraan ng pagharap nila sa pang-aabuso ang pagsasabi ng problema sa ibang tao at mahabang pagtitiis. Ayon din sa mga naging battered wives mayroong masamang pagtingin sa pag-aabuso at nagkakaroon ng galit ang kanilang mga anak sa kanilang asawang lalaki. Lumabas sa pag-aaral na ito na ang dahilan ng pananatili ng mga naging battered wives ay ang kanilang mga anak, nanatili sila para sa magandang kinabukasan ng mga ito pati na rin ang pagpapahalaga nila sa konsepto ng "Buong" pamilya, mahalaga para sa kanila na manatiling sama-sama at hindi matawag na broken family. Natigil ang pag-aabuso sa kanila noong sila'y lumaban para sa kanilang sarili at nagsumbong sa mga kinauukulan o pagsama ng kaso sa kanilang barangay. Lumabas din sa pag-aaral na tio ang pagiging matatag o resilent ng mga naging battered wives dahil sa kabila ng mga kinaharap nilang matinding unos ay nakuha parin nilang bumangon at lumaban. | |
| dc.identifier.uri | http://granarium.clsu.edu.ph/handle/123456789/1431 | |
| dc.language.iso | other | |
| dc.relation.supervisor | MYLENE G. SACRO | |
| dc.title | Karanasan ng mga naging battered wife sa pag-aabuso [manuscript] | |
| dc.type | Thesis |