KARANASAN NG MGA EX-CONVICTS SA PAMILYA
Loading...
Date
2018
Authors
Ma. Isabelle A. Aguilar and Christine Joy B. Galvez
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Abstract
Isang kwalitatibo ang pag-aaral na ito na naglalayong pag-aralan ang karanasan ng mga ex-convicts sa pamilya. Partikular na ang karanasan sa pamilya bago pa man makulong, karanasan sa pmilya matapos makulong, suliraning kinakaharap sa kanilang pamilya, paraan ng pagdadala sa mga suliranin at kanilang mga mithiin pang nais matupad para sa kanilang pamilya. Ang mga nagsilbing kalahok sa pag-aaral na ito ay binubuo ng apat (4) na lalaking ex-convict na nabigyan ng parole upang makalaya. Sila ay nakulong ng hindi bababa sa limang (5) taon at hindi pa lalagpas ng limang (5) taon na pagkakalaya. Ang mga nasabing kalahok ay kasalukuyang naninirahan sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Malaki ang naging epekto ng pagkakakulong ng mga ex-convict sa kanilang pamilya. Maituturing na isang krisis ang kanilang pagkakakulong dahil isa ito sa mga dahilan upang malayo sa knila ang kanilang pamilya. Nalayo sila dahil sa distansya at nalayo pati ang koneksyon nila sa kanilang mga pamilya. Nagkaroon din ng pagbabago pagdating sa relasyon ng mga kalahok sa kanilang pamilya bago at makatapos silang makalaya. Samantala, lumabas din sa resulta ng pag-aaral na ito na hindi nakaranas ng paghihirap sa loob ng bilangguan ang mga kalahok bagkus nagkaroon pa sila ng opurtunidad upang kumita at mkapgtrabaho.