Karanasan sa pagbangon ng mga magsasaka sa gabaldon mula sa natural n kalamidad [manuscript]
| dc.contributor.author | Rojaya Neil P. Dela Cruz | |
| dc.date.accessioned | 2026-06-02T06:58:41Z | |
| dc.date.available | 2026-06-02T06:58:41Z | |
| dc.date.issued | 2017 | |
| dc.description.abstract | Ang pag aaral na ito ay naglalayon na pag aralan kung paano bumabangon ang mga magasasaka sa bayan ng Gabaldon sa kabila ng hirap na kanilang nararanasan. Gayundin ang sakuna na kanilang pinagdaanan, ang paraan ng kanilang pagharap sa kalamidad at Motibasyon ng mga magsasaka upang muling bumangon matapos ang kalamidad. Ang nagsilbing kalahok ng pag-aaral na ito ay binubuo ng apat (4) na magsasaka sa bayan ng Gabaldon at hindi baguhan sa pagsasaka. Nakipanayam ang mananaliksik sa mga kalahok at ginamitan ng tematikong pag aanalisa ang mga datos na makalap. Lumabas sa resulta ng pag aaral na dumaan sa mataas na uri ng sakuna ang mga magsasaka sa bayan ng Gabaldon. Nakaranas sila ng matinding pagbaha, pagkasira ng pananim, pagkapinsala ng lupa na sinasaka at pagka ubos ng alagang hayop na nagresulta sa pagbagsak ng kanilang kabuhayan. Lumabas rin sa resulta ng pag-aaral na ang madalas ng pagbaha at pagkasira ng pananim ay isa sa pagkaraniwang sakuha na kanilang nararanasan. Batay pa sa resulta ng pag aaral, lumabas na hindi nawawala sa mga magsasaka ang lakas ng loob na muling humarap sa mabibigat na suliranin ng dulot ng kalamidad. Sa pagharap ng suliranin na dulot ng kalamidad ay kakakasama nila ang kanilang pamilya at ang Maykapal, maging ang ilang tao na tumutulong upang sila ay makabangon. Nagsisilbi itong inspirasyon upang manatili nag lakas ng kanilang kalooban sa pagharap ng suliranin. Ginagawa din nila na kalmado ang kanilang pag iisip upang makahanap ng solusyon sa suliranin. Sa huling resulta, lumabas na ang kanilang pamilya, mithiin sa buhay, pananalig sa Maykapal, kasiyahan sa trabaho at pag asa sa magagawa ng pagsasaka ang nagsisilbing motibasyon upang sila ay muling bumangon. Patuloy silang bumabangon upang maibigay ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Naghahangad din ang mga magsasaka na magkaroon sila ng masaganang pamumuhay at naniniwala sila na maibibigay ito ng pagsasaka. Isa din sa kanilang motibasyon ang pagkakataon na susuklian ng Maykapal ang lahat ng kanilang pagsisikap. | |
| dc.identifier.uri | http://granarium.clsu.edu.ph/handle/123456789/1432 | |
| dc.language.iso | other | |
| dc.relation.supervisor | ANGELO R. DULLAS | |
| dc.title | Karanasan sa pagbangon ng mga magsasaka sa gabaldon mula sa natural n kalamidad [manuscript] | |
| dc.type | Thesis |