Karanasan ng mga magulang na may anak na narehab dahil sa droga

Thumbnail Image
Date
2018
Authors
Jefferson B. Biano and Lucky April B. Lictawa
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Abstract
Isang kwalitatibong ang pag-aaral naito naglalayong pag-aralan ang karanasan ng mga magulang na may anak na narehab dahil sa droga. Nakipagkwentuhan ang mananaliksik sa mga kalahok kung saan tematikong pag-aanalisa ang ginamit sa pag-aanalisa ng datos at inaplayan ngf pagdadala Model ni Edwin T Decenteceo. Lumabas sa pag-aaral na ang isa sa mga naging dahilan ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot ng mga kabataan ay dahil sa kanilang magulang. Nagkulang sila sa gabay sa kanilang mga anak at pagbibigay ng oras upang banatayan at alamin ang nangyayari sa kanilang anak. Ayon sa pag-aaral isa sa matinding suliranin na nangyari sa kanilang buhay ay ang paggamit ng anak ng ipinagbabawal na gamot dahil anak nila ang nasangkot sa ganitong sitwasyon. Sa lahat ng pagsubok na kinahaharap nila hindi sila nawalan ng pag-asa dahil katuwang nila ang kanilang pamilya sa pagharap dito. Ang pagkakaisa ng pamilya ang nagbibigay ng lakas upang lampasan ang mga pagsubok sa dumarating sa kanilang buhay. Gayundin ang mithiin ng magulang sa anak na magbago sa kinakaharap na suliranin ng dahil sa ipinagbabawal na gamot at magkaroon ng magandang kinabukasan.
Description
Keywords
Citation
Collections