Karanasan sa Romantikong Pakikipagrelasyon ng mga Anak na Nanggaling sa Hiwalay na Pamilya [manuscript]
No Thumbnail Available
Views
...
Downloads
...
Date
2017
Authors
Jasmine V. Datayan
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Abstract
Inalam sa pag-aaral na ito ang karanasan ng pakikipagrelasyon ng mga anak na galing sa hiwalay ang magulang, sa loob nito ang naging impluwensya ng realsyon ng magulang sa kanilang pakikipagrelasyon, mga suliranin sa pakikipagrelasyon at mga dahilan ng pagpapatatag ng kanilang relasyon, ginamit ang Modelo ng Pagdadala para maunawaan ang mga ito. Lumabas sa pag-aaral na mayroong mga impluwensya ang paghihiwalay ng kanilang magulang kung paano sila makikitungo sa kanilang karelasyon, hindi lamang mga negatibo ang nakita dito kundi ang positibong epekto kagaya ng pagiging matured nila kung paano humawak ng isang relasyon. Ang pangunahing problema na nararanasan ng mga ito ay ang hindi maayos na komunikasyon sa pagitan ng magkarelasyon at ayon sa mga nakaraang pag-aaral ito'y dulot ng mga naoobserbahan nila sa kanilang magulang. Bagamat sila ay nagkakaroon ng mga suliranin at pagsubok sa kanilang gumagawa pa rin sila ng mga paraan tulad ng pagbibigay ng tiwala sa kanilang karelasyon upang maging matatag ang kanilang pagsasama. Nakita din na ang anak na matagal ng hiwalay ang magulang ay walang gaanong epekto sa pakikipagrelasyon niya mgunit sila ay nagiging self-less sa kanilang relasyon na maaring maging dahilan upang abusohin ng relasyon.