Kwento ng mga Batang Mag-asawa [manuscript]
| dc.contributor.author | Ayessa Bianca Mae C. Candelaria | |
| dc.date.accessioned | 2026-05-25T03:15:18Z | |
| dc.date.available | 2026-05-25T03:15:18Z | |
| dc.date.issued | 2017 | |
| dc.description.abstract | Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibong pananaliksik na gumamit ng naratibong pag-aanalisa na may layunin upang lubos na maunawaan ang kalagayan at ang karanasan ng mga batang mag-asawa. Nais malaman ng pag-aaral na ito kung ano ano ang mga pinagdaanan at pinagdaraan ng mga kabataang maagang nag-asawa. Ang mga kalahok ay apat (4) na pares bilang kalahok na may edad labing lima (15) hanggang labing siyam (19) na nagsasama sa iisang bahay bilang mag-asawa. Gumamit ng pakikipagkwentuhan ang mananaliksik at ng naratibong pag-aanalisa sa mga nakalap ng datos. Lumalabas sa pag-aaral na ito na ang kwento ng mga batang mag-asawa ay makikitang kwento ngn responsibilidad, pagsubok at pagbangon. Ang kakayahan sa pagtataguyod ng isang pamilya gayundin ang pag-aaruga sa asawa't anak sa murang edad ay ilan sa mga patunay na kwento ng responsibilidad ang kwento ng mga batang mag-asawa. Ang kanilang mga dahilan ng maagang pag-aasawa ay ang mga maagang pagbubutis, pagre-rebelde at pagiging malaya. Mayroon din silang pinagdaanang mga suliranin katulad na lamang sa pinansyal at ang hirap sa pagbubutis ng mga babaeng kalahok. Ang suporta nagmumula sa kanilang pamilya at mga kaibigan ay ang suportang pinasyal gayundin ang emosyonal. Lumalabas din sa pag-aaral na ito na ang kanilang pangunahing mithiin ay ang maibigay ang pangangailangan ng pamilya at ang ilan ay makapag-tapos ng pag-aaral. Sa kabuuan ng pag-aaral na ito lumalabas na ang mga batang mag-asawa ay mayroong iba't ibang karanasan at gumamit ng iba't ibang pagdadala ang mga ito. Kahit nahihirapan ang mga batang mag-asawa sa kanilang responsibilidad na dinadala sa kanilang buhay, sila ay nananatiling matatag sa tulong ng isa't isa at kanilang pamilya. Sa kabilang banda, sila ay patuloy na nag-su-sumikap upang maging maayos ang kanilang buhay at patuloy na hinaharap ang mga pagsubok na kanilang pinagdaraanan upang matupad nila ang kanilang mithiin at ninanais sa buhay. | |
| dc.identifier.uri | http://granarium.clsu.edu.ph/handle/123456789/1396 | |
| dc.language.iso | en_US | |
| dc.relation.supervisor | NIXON V. AGASER | |
| dc.title | Kwento ng mga Batang Mag-asawa [manuscript] | |
| dc.type | Thesis |
Files
License bundle
1 - 1 of 1
Loading...
- Name:
- license.txt
- Size:
- 3.12 KB
- Format:
- Item-specific license agreed to upon submission
- Description: