Karanasan ng mga Ama na mag Isang Nagtataguyod sa mga Anak

dc.contributor.authorEverlyn Jane P. Cabutaje and Rosemay S. Valiente
dc.date.accessioned2025-09-04T06:29:18Z
dc.date.available2025-09-04T06:29:18Z
dc.date.issued2019
dc.description.abstractAng pag-aaral na ito ay patungkol sa karanasan ng mga ama na mag isang magtataguyod sa mga anak. Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ang alamin ang kanilang karanasan sa pamamagitan ng pagtukoy sa kanilang mga suliranin na pinagdadaanan, paraan ng paghaharap sa mga problemang ito at relasyon sa kanilang mga anak. Ginamit bilang batayan sa pag-aaral na ito ang Modelo ng Pagdadala ni Edwin Decenteceo (Decenteceo, 1999). Kinabibilangan ng apat na kalahok ang pag-aaral na ito na mula sa Lungsod ng San Jose City, Nueva Ecija. Upang malayang mailahad at maibahagi ng mga kalahok ng kanilang karanasan o saloobin, nakipagpalagayan ng loob ang mananaliksik at nakipagkwentuhan ang mga ito. Inilahad ang resulta base sa bawat kwento ng buhay ng bawat kalahok. Tinalakay dito ang naging suliranin, paraan ng pagharap ng relasyon sa anak at ang mithiin ng ama para sa kanilang mga anak at para sa kanilang sarili naging pangunahing suliranin ng mga ama ang pagba-budget sa mga gastusin at ang pangungulila sa kanilang mga kabyak sa buhay. Naging epektibong paraan ng pagharap ng mga kalahok sa kanilang mga suliranin ang pagdarasal at pagtuon ng atensyon sa kanilang mga anak at naghanap ng ibang mapaglilibangan. Gayunpaman naging maayos ang naging relasyon nila sa kanilang mga anak.
dc.identifier.urihttp://granarium.clsu.edu.ph/handle/123456789/345
dc.language.isoen_US
dc.relation.supervisorROBINSON Z. LUMONTOD III
dc.titleKaranasan ng mga Ama na mag Isang Nagtataguyod sa mga Anak
dc.typeThesis
Files
Original bundle
Now showing 1 - 1 of 1
Loading...
Thumbnail Image
Name:
E.J.P.CABUTE, R.S.VALIENTE.pdf
Size:
2.61 MB
Format:
Adobe Portable Document Format
Description:
License bundle
Now showing 1 - 1 of 1
Loading...
Thumbnail Image
Name:
license.txt
Size:
3.12 KB
Format:
Item-specific license agreed to upon submission
Description:
Collections