Kwento ng mga pulis sa likod ng "Tokhang"
Loading...
Date
2018
Authors
Nhelyn Joy N. Padua and Jackielyn C. Pallarco
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Abstract
Ang kwalitatibong pag-aaral na ito na naglalayong pag-aralan ang kwento at panig ng mga pulis sa likod ng tokhang. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay nasa edad tatlumpu't walong taong gulang (38) hanggang apat napu't-pitong taong gulang (47) na kasalukuyang nakatira sa Metro Manila. Pakikipanayam sa mga kalahok ang ginamit na instrumento sa pagkuha ng mga datos ng mga mananaliksik kung saan narrarive approach ang ginamit sa pag-aanalisa ng mga nakalap na datos. Lumabas sa pag-aaral na may prosesong sinusunod ang mga pulis sa pagsasagawa ng tokhang sa ilalim ng lower Barrel at Upper Barrel Approach nito. Sa ilalim ng LBA ay nagbabahay-bahay at kinakatok ang mga nakalista sa watchlist at sa ilalim naman ng UBA ay nagsasagawa ng mga buy-bust operations na kadalasang nagreresulta sa mga engkwentro. Ang pangunahing suliraning kinakaharap ng mga pulis sa pagsasagawa ng tokhang ay ang pahirapang makitungo sa mga nasa watchlist at sa mga pamilya nito. Ang mga kalahok na pulis ay higit na tinitinganan ang positibong aspeto ng programang tokhang at kagandahang dulot nito sa komunidad at sa mismong indibidwal na lulong o sangkot sa droga. Ang pagsasagawa ng tokhang ng mga pulis ay nagpatatag sa kanila at nagpatibay sa kanilang paninindigan bilang isang alagad ng batas.