Karanasan ng mga Ama na may Pisikal na kapansanan
Loading...
Date
2018
Authors
Earlyn Mae S. Cruz and Ellayne Kimverly T. Magaway
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Abstract
Isang dekriptibong pag-aaral ito na naglalayong pag-aralan ang karanasan ng mga ama na may pisikal na kapansanan partikular sa relasyon sa anak, paraan ng pagtataguyod ng pamilya, suliranin, paraan ng pagharap sa mga suliranin, mithiin para sa anak at pagtingin sa kapansanan. Ito ay kinabibilangan ng apat (4) na kalahok at kasalukuyang nakatira sa lungsod ng San Jose, Nueva Ecija na may edad mula 40 hanggang 46 anyos na gulang, may asawa, nagtataglay na ng kapansanan bago pa man magkapamilya, may anak ay sila ang nagtataguyod ng kanilang pamilya. Ginamit ang thematic analysis sa pag-aanalisa ng datos at ang Modelo ng Pagdadala ni Decenteceo para maging gabay sa pag-unawa sa mga karanasan na nasabi. Lumabas sa pag-aaral na hindi naging madali ang buhay na mayroon ang mga ama na may pisikal na kapansanan lalo na sa pagtatrabaho dala ng epkto ng kapansanan mula sa pagkakaroon ng limitasyon sa paggawa at pangangailangan ng tulong mula sa iba. Gayumpaman, hindi iyon naging hadlang upang gampanan ang mga tungkulin bilang isang ama sa kanilang mga anak. Sa halip ay itinuring nilang inspirasyon ang kani-kanilang pisikal na kapansanan upang magsikap at maging matatag.