Karanasan ng Ama na gumamit ng ilegal na Droga
Loading...
Date
2018
Authors
Jimsey D. Galdonez and Aece John T. Wong
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Abstract
Ang kwalitatibong pag-aaral na ito na pinag-aralan ang kwento at panig ng mga ama sa likod ng paggamit ng ilegal na droga. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay mga Padre de pamilya na nasa edad dalawampu't limang taong gulang (25) pataas na kasalukuyang nakatira sa Nueva Ecija. Sa pag-aaral na ito gumamit ng semi-structured interview ang mga mananaliksik bilang isang paraan para makuha ang mga layuning nais makuha. Gumamit ng tala ng gabay na tanong ang mga mananaliksik upang maging maayos ang daloy ng pakikipagusap sa mga napiling kalahok, at ang mga katanungang ito ay may kinalaman sa kanyang mga karanasan bilang isang ama sa relasyon niya sa kanyang pamilya. Inalisa ang mga nakalap na datos gamit ang Tematikong Pag-aanalisa nina Braun at Clarke (2006). Lumabas sa pag-aaral na ito na hindi karaniwan ang pinagdaanan ng mga ama tumigil sa paggamit ng ilegal na droga. Napag-alaman na nag kanilang pamilya, dahil sa pagkasira ng relasyon nila sa kanilang pamilya ay napagdesisyonan ng mga kalahok na itigil ang paggamit nito. Napag-alaman din na ang nagiging pangunahing suliranin ng ama sa pag-tigil sa paggamit ng droga at dahil hinahanap hanap parin ito ng kanilang katawan, lumabas din sa pag-aaral na matapos gumamit o iwanan ang ilegal na droga ay naging maayos ang kanilang relasyon sa kani-kanilang pamilya at lumabas din sa pag-aaral na ito na hindi sang-ayon ang mga ama sa napapanahong War on Drugs sa bansa.