Sekswal na pagnanasa at pagkalibog [[manuscript] /] : Kwento ng mga babaeng walang karanasan at may karanasan sa pakikipagtalik

dc.contributor.authorKennie Kieth B. Pitpitunge
dc.date.accessioned2025-09-05T01:45:10Z
dc.date.available2025-09-05T01:45:10Z
dc.date.issued2018
dc.description.abstractIsang kwalitatibo ang pag-aaral na ito na naglalayong pag-aralan ang pagkakaiba ng pananaw sa pagnanasa at pagka-libog ng mga babaeng may karanasan at walang karanasan sa pakikipagtalik. Nais malaman ng mananaliksik ang kaibahan ng karanasan ng mga babaeng walang karanasan at babaeng may karanasan uko sa pagnanasa at pagkalibog. Ang mga kalahok ng pag-aaral na ito ay bubuuin ng apat na kababaihan, dalawang babaeng walang karanasan sa pakikipagtalik at dalawang babaeng may karanasan sa pakikipagtalik na may edad dalawampung taong gulang (20) hanggang 25 at kasalukuyang naninirahan sa lungsod ng Nueva Ecija. Kinapanayam ng manaliksik ang mga kalahok gamit ang mga open ended na mga katanungan na kung saan thematic analysis ang ginamit sa pagsuri ng datos. Lumabas sa pag-aaral na ito na ang pananaw ng mga babaeng walang karanasan at may karanasan sa pakikipagtalik ukol sa sekswal na pagnanasa at pagkalibog ay halos magkapareho lamang na kung saan naniniwala sila na ang pagnanasa at pagkalibog ay halos magkapareho lamang na kung saan naniniwala sila na ang pagnanasa at pagkalibog ay normal at natural na nararamdaman ng bawat tao. Ang tingin din nila ay nakakaramdam sila ng pagnanasa at pagkalibog dahil sa impluwensya ng mga pornographic materials, romantikong mga palabas, malalaswang mga artikulo at erotikong babasahin sa social media. Ang mga babaeng walang karanasan sa pkikipagtalik ay gumgawa din ng mga sekswal na gawain. Kapag sila ay nakakaramdam ng pagnanasa at paggkalibog, sila ay gumagawa ng paraan upang punan ito sa tulong ng kanilang kasintahan o kaya'y sial ay nagmamasturbate upang pasiyahin ang sarili. Ang tanging hindi pa nila nararanasan ay ang pagpasok ng nakatayong ari ng lalaki sa kanilang pwerta o ari samantalang ang mga babaeng may karanasan sa pakikipagtalik ay nakikipagtalik sa kanilang kasintahan sa tuwing sila ay nakakaramdam ng sekswal na pagnanasa at pagkalibog o di kaya ay hinahawakan nila ang kanilang sarili tulad ng pagmamasturbate upang mapasaya ang kaniyang sarili. Sa karagdagan, ang mga babaeng may karanasan sa pakikipagtalik ay mas mapusok at mas bukas ang isipan sa mga usapin at gawaing sekswal kesa sa mga babaeng wlang karanasan sa pakikipagtalik
dc.identifier.urihttp://granarium.clsu.edu.ph/handle/123456789/394
dc.language.isoen_US
dc.relation.supervisorROBINSON Z. LUMUNTOD III
dc.titleSekswal na pagnanasa at pagkalibog [[manuscript] /] : Kwento ng mga babaeng walang karanasan at may karanasan sa pakikipagtalik
dc.typeThesis
Files
Original bundle
Now showing 1 - 1 of 1
Loading...
Thumbnail Image
Name:
PITPITUNGE,K,K,B.pdf
Size:
2.29 MB
Format:
Adobe Portable Document Format
Description:
License bundle
Now showing 1 - 1 of 1
Loading...
Thumbnail Image
Name:
license.txt
Size:
3.12 KB
Format:
Item-specific license agreed to upon submission
Description:
Collections